may nakita akong friend kanina, actually, hindi ko nga alam bakit lately ganon parati ang mga bungad sa akin na mga tanong, "Andrea, musta na kayo?", sagot ko (with all smiles) "okay lang kami, ganon pa rin". "Ah mare, kayo pa rin?" masaya niyang tanong. "oo naman". :) "tuwing kailan kayo nagkikita" tanong ulit niya. Sheeks, parang grabe, honga, 'tuwing kailan'? diba?
sa totoo lang, i never saw how rare we meet. feeling ko nga, nakuha ko ng tanggapin na once in a blue moon lang kami nagkikita. alam mo, ever since, hindi ko pinansin yun. hindi dahil sa alam kong busy siya, kundi dahil alam kong hindi naman kailangan na parati kami magkita, kasi kaya ko. :) kaya ko ng wala si Ryan, pero ayoko ng wala siya. alam ko rin naman na gusto rin niya ng ganon, yung maging strong ako. hindi yung tulad ng iba, nagiging mahina kapag nawala lang yung partner sa tabi.
gusto ko maging iba sa lahat ng babae. gusto ko maging iba sa paningin niya. sana nga lang, kahit malayo siya, akin parin siya. sana....
hoping
Andrea
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment